Merkantilismo? Ating alamin!
Merkantilismo
Ang Merkantilismo ay sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa akumulasyon ng ginto at pilak, pagtatag ng kolonya at regulasyon ng kalakalang panlabas upang pakinabangan ng bansang mananakop. Sa pagsilang ng merkantilismo, ang Europeo ay naniniwala na may malaking magagawa ang ginto at pilak sa pagtupad ng adhikain.
Ito ang namayaning kaisipan pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaranng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak dahil sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak.
Noong ika-16 na siglo, naniniwala ang mga bansang Europeo na ang ekonomiya ay maaari maging instrumento ng pagtaas ng pambansang kapangyarihan. Ang merkantilismo rin ang naghaharing doktrinang pang-ekonomiya noon sa Europa at naniniwala na ang tunay na kayamanan ng isang bansa ay ang kabuuang dami ng ginto at pilak na mayroon nito.
Bakit isinilang ang merkantilismo?
Katulad ng nabanggit kanina, naniniwala ang mga Europeo na malaki ang magagawa ng ginto’t pilak sa mga adhikaing gusto nilang maisakatuparan. Naniniwala ang mga tao na katumbas ng yaman ang kapangyarihan. Ang sariling produkto ay dapat tangkilikin ng lahat.
Repleksyon
Ang merkantilismo ay sistemang pangkabuhayan na sumentro sa akumulasyon ng ginto at pilak, pagtatag ng kolonya at regulasyon ng kalakalang panlabas. Naninwala ang mga Europeo na malaki ang maiaambag ng ginto at pilak sa adhikaing gusto nilang maisakatuparan. Nakasalalay ang pamumuno ng isang pinuno sa dami ng ginto’t pilak nameron sya. Naniniwala rin sila na ang ekonomiya ay maaaring magtaas sakanila ng pambansang kapangyarihan. Merkantilismo rin ang nagharing doktrina noon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento