Merkantilismo? Ating alamin!

Merkantilismo Ang Merkantilismo ay sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa akumulasyon ng ginto at pilak, pagtatag ng kolonya at regulasyon ng kalakalang panlabas upang pakinabangan ng bansang mananakop. Sa pagsilang ng merkantilismo, ang Europeo ay naniniwala na may malaking magagawa ang ginto at pilak sa pagtupad ng adhikain. Ito ang namayaning kaisipan pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaranng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak dahil sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak. Noong ika-16 na siglo, naniniwala ang mga bansang Europeo na ang ekonomiya ay maaari maging instrumento ng pagtaas ng pambansang kapangyarihan. Ang merkantilismo rin ang naghaharing doktrinang pang-ekonomiya noon sa Europa at naniniwala na ang tunay na kayamanan ng isang bansa ay ang kabuuang ...